Para saan ba ito? Para kanino? Ano bang meron dito at parang mas kino-consider pa ng iba ito kesa sa commitment?
Para kasi sa iba, Eto lang ang MU:
- Pwede kang magselos, pero wala kang karapatang awayin sya. Ganito lang yan. Kapag may nakikita kang may kasama syang iba, lalo na kapag inili-link sa kanya, sa totoo lang, wala ka talagang karapatang magselos, pero hindi maiiwasan yun d ba? So, ibabaon mo na lang yun sa lupa kasi hindi naman talaga kayo d ba?
- Pwede kang masaktan. Kasama naman talaga ito eh. Kaya nga naging mag-MU kayo d ba? Pero syempre, baka pagtawanan ka lang ng iba kasi iniiyakan mo ang taong hindi mo naman karelasyon.
- Free kang mag-entertain ng iba. Kahit sino, pwede mong i-entertain, wala kasi kayong relasyon eh. So, walang pakialamanan ng trip.
- Wala kang karapatan na paikutin ang mundo nya. Wala kang karapatan sa kanya, tandaan mo yan. Pwee mo syang, alalahanan, alagaan. Pero yung ikaw yung susundin nya at all times? Never. MU lang kayo.
Pero ang maganda sa MU?
- Malambing kayo sa isa’t isa. Kahit pa sabihing wala kayong relasyon, yung undying sweetness nyo, hindi yan nawawala.
- Andyan sya lagi para sa’yo. Syempre kapag kailangan mo sya, dahil may namamagitan na sa inyo kahit konti eh andyan sya to comfort you.
Alam nyo, hindi lahat ng MU napupunta sa isang relasyon. Maaari ring masira kayo. Pero what if kung magkatuluyan na talaga kayo? KAKILIG NAMAN. :”>
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento