Martes, Oktubre 25, 2011

Crush namin ang isa’t isa… Bakit hindi pa rin nagiging kami?

OMG. Whatda.
What is the real meaning of CRUSH?
  • Crush - One who is the object of such an infatuation.
READ AGAIN. INFATUATION.
Ibig sabihin, humahanga lang kayo sa isa’t isa. You know? Admiration lang yan. Don’t expect na more than crush ang kahahantungan nyo. Masakit yan. Kasi baka ka lang naging crush nung tao kasi humahanga sya sa’yo kasi may abilidad kang gawin ang isang bagay.
Nakakatuwa ring isipin na sa simpleng crush nabuo ang isang pagmamahalan. Pero tandaan mo, HINDI LAHAT pwedeng humantong sa happy ending.
THE TRUTH ABOUT THE PSYCHOLOGICAL STUDY THAT CRUSH LASTS ONLY FOR A MAXIMUM OF 4 MONTHS. WHEN IT EXCEEDS, IT IS ALREADY LOVE:
Totoo nga ba? Imposible ito. Hahaha. Try natin, may crush kang artista at umabot yun ng ilang taon, sigurado ka bang inlove ka na talaga sa kanya? KALOKOHAN. Huwag tayo basta nagpapaniwala sa mga psychological studies. Kasi PSYCHO means sa UTAK. D ba? Included ba ang puso dun? D ba hindi? COMMON SENSE LANG ITO. Makukuha nyo rin ako. :)

Girls, ayos lang ba sa inyo ang magmahal ng isang tao na mas bata sa iyo?

 In negative side, siguro eto pumapasok sa mga isip nyo:
  • Nakakaasiwa.
  • I’m more mature than him.
  • Hindi kami bagay.
  • Sagwa lang tignan.
  • Ayoko para akong sugar mommy nyan.
In positive side, siguro eto pumapasok sa isip nyo:
  • Age doesn’t matter.
  • Ayos lang, mas matangkad naman sya sa’kin eh.
  • Care ko ba? As long as we love each other eh.
  • So what? Does it really matter? Ano kung mas bata sya sa akin?
  • Gwapo sya, ayos lang. Para namang mas matanda sya sa akin eh.
GIRLS, CONSIDER THIS:
Please refer to the positive side. So what kung mas matanda ka sa kanya? Pakialam ba ng mga tao kung batikusin ka man nila na mas matanda ka kesa sa mahal mo? As long as you love each other, you’ll cross boundaries. Pero I didn’t tell you na pumatol sa mas bata sa iyo ng 5 years and up. Yun na ang pangit tignan. But, kung 1 year older ka lang sa kanya, ayos lang. No problem. Hindi na mapapansin yan ng iba. :)

Lunes, Oktubre 24, 2011

Mahirap magkagusto sa isang campus crush.

Syempre marami kang kaagaw d ba? Kaya minsan dapat mo ring dumistansya kahit konti dun sa tao. Malaking advantage yung kapag close na kayo tapos naging crush mo sya. Answerte lungs. Pero paano naman yung mga hindi naman ka-close ng isang campus crush? Mahirap para sa kanila na makipaglapit. Lalo na marami ring hahadlang sa’yo. Kasi hindi lang ikaw ang nagkakacrush sa kanya. Pero hindi ba nakakabuo ka rin ng friendship sa ibang tao na nagkakagusto sa kanya? Kasi nagse-share kayo ng mga nakakakilig na experiences sa isa’t isa. Payabangan pa. Haha. May nalalaman ka pa sa kanila na iba’t ibang info about your crush na may pagka-extraordinary without consulting or asking your crush. HAHA. Walang masama sa pagkakaroon ng crush sa isang popular heartthrob, wala ring masama na magkacrush sila sa kanya so, share share na lang kayo. :)

May mga taong sadyang PAASA.

Ang dapat mo lang gawin ay: HUWAG UMASA KUNG WALA KA NAMANG PINANGHAHAWAKAN.

Linggo, Oktubre 23, 2011

MUTUAL UNDERSTANDING.

Para saan ba ito? Para kanino? Ano bang meron dito at parang mas kino-consider pa ng iba ito kesa sa commitment?
Para kasi sa iba, Eto lang ang MU:
  • Pwede kang magselos, pero wala kang karapatang awayin sya. Ganito lang yan. Kapag may nakikita kang may kasama syang iba, lalo na kapag inili-link sa kanya, sa totoo lang, wala ka talagang karapatang magselos, pero hindi maiiwasan yun d ba? So, ibabaon mo na lang yun sa lupa kasi hindi naman talaga kayo d ba?
  • Pwede kang masaktan. Kasama naman talaga ito eh. Kaya nga naging mag-MU kayo d ba? Pero syempre, baka pagtawanan ka lang ng iba kasi iniiyakan mo ang taong hindi mo naman karelasyon.
  • Free kang mag-entertain ng iba. Kahit sino, pwede mong i-entertain, wala kasi kayong relasyon eh. So, walang pakialamanan ng trip.
  • Wala kang karapatan na paikutin ang mundo nya. Wala kang karapatan sa kanya, tandaan mo yan. Pwee mo syang, alalahanan, alagaan. Pero yung ikaw yung susundin nya at all times? Never. MU lang kayo.
Pero ang maganda sa MU?
  • Malambing kayo sa isa’t isa. Kahit pa sabihing wala kayong relasyon, yung undying sweetness nyo, hindi yan nawawala.
  • Andyan sya lagi para sa’yo. Syempre kapag kailangan mo sya, dahil may namamagitan na sa inyo kahit konti eh andyan sya to comfort you.
Alam nyo, hindi lahat ng MU napupunta sa isang relasyon. Maaari ring masira kayo. Pero what if kung magkatuluyan na talaga kayo? KAKILIG NAMAN. :”>
"Why do people always say: “Kung tayo, tayo talaga.” Don’t they know that: “Without EFFORT, DESTINY won’t work?"

Mas magandang huwag mong iyakan ang taong hindi ka naman mahal, masasayang lang luha mo sa kanya. Ang dapat mong iyakan ay yung taong MINAHAL ka rin.

Sabado, Oktubre 22, 2011

Dapat mo bang layuan ang isang tao na napalapit na sa’yo kasi ayaw mong mahulog sa kanya?

HUWAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAG!
Masakit mga ‘dre. PROMISE. Kasi may nabuo ng friendship sa inyo eh. Gusto mo bang maramdaman na one day hindi na sya nakikipag-usap sa’yo, nakikipagkulitan, nakikipag-asaran? Kasi na-disappoint na sya sa iyo. Hindi mo pinahalagahan yung friendship at trust na binigay nya sa’yo. SO WHAT KUNG MAHULOG KA NA NG TULUYAN SA KANYA? TAKOT KANG MASAKTAN? Hindi ganun yun. Kung talagang mafo-fall ka na talaga sa kanya, So be it. No choice. Make him/her as an inspiration. The BIG BUT is, don’t expect anything from him/her when you decided to continue your friendship. Mas magandang friends na muna kayo, K? :)

May GUSTO ka, PERO IBA ANG GUSTO NYA.

Yeah. I experienced this. Two times na. Masakit pero kailangang magmove-on. Ganun talaga ang buhay. It makes you stronger eh. Yung una, yung bestfriend ko, and indeed, we remained friends lang talaga. Yung pangalawa, sya yung tinutukoy ko sa previous post ko na nakapasa sa standards ko. Nito lang nakaraang week ay napagdesisyunan ko na layuan sya dahil na rin sa ayokong mahulog ng tuluyan sa kanya. Kasi alam ko na may iba syang gusto at masasaktan lang ako. Napansin nya agad yung pag-iwas ko kaya nagtanung tanong sya sa mga kaibigan ko. Kahit alam ng mga kaibigan ko yung dahilan kung bakit ako lumalayo, they always give him a shaking head. Ayaw nilang masira yung tiwala ko sa kanila eh. Pero after a few days, parang nakukunsensya na ko. Ayokong mag-suffer yung nabuo naming pagkakaibigan kaya humingi na ko ng tulong sa bestfriend ko (yung unang nagustuhan ko). Kaya ipinaliwanag ng bestfriend ko lahat lahat kung bakit lumalayo ako. He said na ayos lang yun, wala syang problema about dun. Magaan na ang loob ko. I want to return our friendship kaya magpupursige akong ibalik yun ulit. Sabi nila, kaya ganun sya maka-react ay dahil may F (re:feelings) na rin sya sa akin. Pero hanggat maaari, ayokong mag-assume. Friends muna.

Sa mga nakakaranas rin ng katulad ng nararanasan ko (hanggang ngayon pa rin kasi eh), here’s my tips:

  • Respect his/her decision. Kung hindi ka talaga nya gusto, so be it. Remain your friendship na lang,
  • Move on. Isa sa mga pinakaimportanteng bagay na dapat isaalang-alang. Hindi lang sya ang lalaki/babae sa mundo. Lucky ka pa nga, kasi nailayo ka sa taong hindi para sa iyo.
  • Entertain yourself. Magpakasaya ka. Pero wag yung sobra. Yun bang magtuturo rin sa’yo sa tamang way. Ibaling mo na lang sa ibang bagay ang atensyon mo. Wala ka ng magagawa, baka nga may benefits pa yang pagmu-move on mo eh.
  • Pray. God always has a solution in your problems. He will help you in all circumstances na pinagdaraanan mo. You’ll never notice na nakapag-MOVE ON ka na pala.

Ayun lang. Hope it helped. Dahil yan yung ginawa ko para maka-recover sa una kong nagustuhan. :) BE HAPPY LANG MGA ATE AT KUYA! :P

GUSTO KO MANG IBIGAY SA INYO ANG TUMBLR ACCOUNT KO. HINDI PUPUWEDE.